-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naglabas na ng threat advisory ang Mines and Geoscience Bureau (MGB) 6 sa lahat ng mga Local Government Units (LGU) sa mga lugar sa Western Visayas na high risk kasabay ng pananalasa ng bagyong Odette.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Mae Magarzo, chief ng MGB6, sinabi nito na nakasaad sa listahan ang landslide prone at flooding areas sa rehiyon.
Ang listahan ay ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Regional Disaster Risk Reduction Center (RDRRMC) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa ngayon, isinailalim na ang buong Western Visayas sa Tropical Wind signal number two.