-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas at mga lansangang hindi na madaanan dahil sa patuloy na pag-apaw ng Cagayan river bunsod ng epekto ng Bagyong Tisoy.

Ayon kay Rueli Rapsing, halos 300 pamilya o 1,592 katao ang inilikas sa Barangay Caraoan, Gonzaga.

Patuloy namang inaalam ang bilang ng mga isinailalim sa pre emptive evacuation sa bayan ng Baggao, Rizal, Lasam, Pamplona at Tuguegarao.

Sinabi ni Rapsing na umabot na sa 8.55 meters na alarm level ang Buntun water gauging station sa Tuguegarao City na malapit na sa critical level.

Naranasan rin ang landslide sa pambansang lansangan ng Brgy. Bitag Grande sa bayan ng Baggao.

Sa ngayon ay patuloy na nakararanas ng mahina hanggang sa malakas na ulan ang lalawigan ng Cagayan.