-- Advertisements --

LAOAG CITY – Maraming mga sasakyan ang nai-stranded sa nangyaring landslide sa national higway na sakop ng Barangay Pancian, Pagudpud kahapon, Pebrero 14.

Ito ang sinabi ni Barangay Kagawad Jay-Z Lagundino ng nasabing barangay.

Ipinaliwanag ni Lagundino na nangyari ang pagguho ng lupa sa gitna ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Pagudpud.

Samantala, nagpasalamat ang barangay kagawad dahil walang sasakyan ang dumaan sa lugar sa kasagsagan ng landslide.

Dagdag ni Lagundino na agad na nagtungo sa lugar ang mga empleado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang report hinggil sa landslide.