-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng landslide sa bayan ng Baras, Catanduanes kaugnay ng mga nararanasang pag-ulan na epekto ng tailend of a frontal system na nakakaapekto sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Baras MDRRMO head Engr. Khalil Tapia, naireport ang lanslide sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ginitligan.

Agad namang nagpadala ng team ang MDRRMO at tinanggal ang mga gumuhong bato at lupa sa tulong ng mga barangay officials.

Wala ring naitalang nasaktan sa insidente dahil malayo na rin sa mga kabahayan ang pinangyarihan ng landslide.

Mahigpit pa rin ang abiso ng pag-iingat lalo na sa mga dumaraang motorista sa lugar dahil posible pa umanong masundan ang naturang landslide.