-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Capt. Eduardo Santos, ang chief of police sa Pagudpud, Ilocos Norte, na hanggang ngayon ay hindi pa madaanan ang kalsada malapit sa “Paraiso ni Anton” sa Barangay Pancian sa nasabing bayan dahil sa landslide kagabi.

Ayon kay Santos, nangyari ang landslide matapos ang ilang araw na malakas na ulan at hangin sa lugar.

Sinabi ni Santos na buong kalsada ang natabunan ng lupa kaya kahit ang mga motorsiklo ay hindi makadaan.

Dahil sa nangyari ay napakaraming sasakyan na papasok at lalabas ng Ilocos Norte ang na-stranded at magdamag na nanatili sa lugar.

Dagdag ni Santos, itutuloy nila ang clearing operation ngayong araw.

Samantala, dahil sa nararanasang malakas na ulan ay sinuspinde ni Mayor Rafael Ralph L. Benemerito II ang klase sa lahat ng lebel sa Pagudpud ngayong araw para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.