Davao del Sur- Nagpadayon karon ang clearing operation nga ginahimo sa Dept. of Public Works And Highway(DPWH) sa Davao del Sur.
Ito’y kasunod ng naitalang mga pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar dahil sa pagbuhos ng malakas na pag-ulan nitong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, inihayag ni PLt. Lope Prado, platoon leader, 3rd Mannuver Platoon, Davao del Sur na dalawang unit ng Yellow Bus Line ang nahulogan ng mga gumuhong lupa.
Sa ngayon hindi madaanan ng mga sasakyan ang lugar kung saan nangyari ang landslide na sanhi na marami ang na-stranded.
Pahirapan naman ang clearing operation dahil sa maputik na mga lupa.
Aniya wala nang naiulat na nasugatan at casualty dahil sa landslide.
Samantala, may naitala ring pagguho ng lupa sa Barangay JP Laurel sa bayan ng Malungon Sarangani Province ngunit hindi naman ito nagdulot ng danyos.
Dalawang tulay sa nasabing lugar ang hindi madaanan dahil umapaw ang tubig dito dahil pa rin sa malakas na pag-ulan na patuloy pa ring nararanasan sa ngayon.