DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang clearing operation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC) at Department of Public Works and Highways (DPWH-11) sa Mawab de Oro matapos ang nangyaring landslide sa Km. 69 National Highway Tuboran sa nasabing lalawigan.
Dahil sa nasabing insidente, agad na inutos ni Mayor Ruperto “RUPET” Gonzaga III sa mga personahe ng MDRRMO-Team R.U.P.E.T. na magsagawa ng clearing operation at alalayan ang mga motorista para maiwasan ang disgrasya sa lugar.
Pinayuhan na lamang ang mga motorista na dadaan sa lugar na magdoble ingat para hindi malagay sa disgrasya.
Sinasabing ang nangyaring pagguho ng lupa sa lugar ay may kaugnayan sa nararanasan na localized thunderstorm kung saan ilang oras na bumuhos ang malakas na ulan sa nakaraang araw na siyang dahilan ng paglambot ng lupa.