KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang assessment ng mga otoridad sa nangyaring landslide sa bayan ng Tampakan, South Cotabato kasunod ng pagyanig ng Magnitude 6.9 na lindol.
Sa ipinaabot na report sang Bombo Radyo Koronadal, nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Sitio Kolondatal, Brgy. Lampitak at Brgy. Tablu sa bayan ng Tampakan maging sa Brgy. Miasong, sa bayan ng Tupi.
Dahil dito, agad na nagsawaga ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Counil ng Tampakan at Rescue Unit and Mountain Search and Rescue Team ng Tupi sa mga apektadong lugar.
Maswerte namang walang naitalang casualty sa nasabing landslide.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang assessment ng Koronadal City Engineering Office sa pambuliko at pribadong establishento sa lungsod kasunod ng nangyaring malakas na lindol.
Temporaryo ding sinuspende ang klase sa lahat ng lebel pribado at pampubliko paaralan sa lungsod sa gagawing inspection ng mga otoridad.
Sa ngayon, nadada-anan na ang nasabing daan matapos ang clearing operation ng mga nasabing ahensya.
Patuloy rin ang panawagan ng mga otoridad na manatiling alerto at huwag magpanic lalo pa’t nararamdaman pa rin ang mga aftershocks.