TUGUEGARAO CITY – Pansamantalang isinara sa malalaking sasakyan ang bahagi ng pambansang lansangan ng provincial road sa Brgy. Kapanickian Norte, Allacapan, Cagayan dahil sa landslide na dulot ng bagyong Ramon.
Ayon kay ret. Col. Darwin Sacramed, head operation center sa sub capitol, wala namang naitalang sugatan sa nangyaring pagguho ng lupa sa bahagi ng lansangan.
Sa ngayon, tanging mga motorsiklo lamang ang pinapayagang makadaan sa lugar kung saan isinasagawa na ang clearing operations.
Samantala, bukod sa tatlong pasahero, isang bangkay ang nananatiling stranded sa port of Aparri na ibibiyahe patungong Calayan.
Nilinaw ni Sacramed na hindi typhoon related ang pagkamatay nito.
Habang nasa 15 boat crew ang nananatiling stranded sa Claveria port na papunta rin sa Calayan island.
Sinabi ni Macalan na sa kasalukuyan ay nakakaranas na ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Northern Cagayan na may mahinang hangin habang papalapit ang bagyo.