-- Advertisements --

lani1

Naghain na ngayong araw ng kaniyang certificate of candidacy (COC) si Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano na tatakbo muli ng pagka-alkalde ng Taguig City.


Kasama ni Rep. Lani na naghain ng kaniyang COC ang asawa na si Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano na tatakbo din bilang senador.

Si Lani ay dating alkalde ng siyudad na nagsilbi nuong June 30, 2010 hanggang June 30, 2019 bago tumakbo bilang Congresswoman ng 2nd district ng Taguig.

Ang magiging vice mayor o running mate nito ay si Arvin Alit, ang incumbent councilor ng second district ng Taguig.

Sila ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party.

“I will give way and I fully accept it because I believe in the leadership of Ate Lani. Fellow citizens, it has been my life’s greatest privilege to serve you,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.

lani2

Samantala, si incumbent Taguig Mayor Lino Cayetano ay hindi na tatakbo ngayong halalan subalit tiniyak nito ang kaniyang suporta sa Covid-19 pandemic response ng siyudad.

Pinasalamatan naman ni Mayor Lino ang kaniyang mga constituents dahil sa kanilang suporta, kooperasyon na ibinigay sa kaniya.

Ipinagmalaki naman ng alkalde ang kaniyang mga programa lalo na pagtugon nito sa Covid-19 pandemic partikular ang vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Lino, ipapaubaya na niya kay Cong Lani ang pagiging alkalde ng siyudad.

“I will continue to focus on the problems on the programs and issues (of our city). In the coming months, while the rest of the nation focus on the elections, we in Taguig will focus on the solutions needed by our citizens,” dagdag pa ni Mayor Lino.