-- Advertisements --

lanicay1

Pormal ng nanumpa bilang alkalde ng Taguig City si Mayor Lani Cayetano, ngayong araw at siniguro na ang kaniyang administrasyon ay tututukan na maging tahimik at komportable ang buhay ng kaniyang mga constituents.

“Tahimik at komportableng buhay yan po ang ating dalangin para sa bawat pamilyang Taguigenos. Patuloy po tayong kikilos sa pagabot mga pangarap natin ito,” pahayag ni Mayor Lani.

Si Cayetano ay nanumpa kay Taguig Regional Trial Court Judge Antonio Olivete na ginanap sa Senator Rene “Campañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School.

Siniguro din ni Mayor Lani na kaniyang ipagpatuloy ang ibat ibang programa na sinimulan ng kaniyang predecessor na si Mayor Lino Cayetano lalo na ang programa nito sa Covid-19.

“As we begin our work officially at noon time today, we commit to intensify the local government’s effort in reaching our goal to be a truly loving and caring city,” dagdag pa ni Mayor Lani.

Hinimok naman ng alkalde ang lahat ng mga residente ng Taguig na makipag tulungan at magkaisa sa kaniyang administrasyon ng gayon lalo pang mapabilis at mapapabuti pa ang mga programa na nakalinya.

Siniguro din ni Cayetano ang transparency at accountability.

“Ibibigay natin sa publiko ang isang accountable local government with full transparency. We will in close coordination with law enforcers, CVOs and medical front-liners ensure public order and safety,” dagdag pa ni Cayetano.

Siniguro din nito na kaniyang rebyuhin ang mga business policies ng siyudad ng sa gayon mas dumami pa ang mag invest ng negosyo sa kanilang lugar.

“On this very special day, I like to take a moment to honor my beloved husband Alan, now Senator Alan Peter Cayetano, for his unwavering passion for good governance that has always been a guiding light for me,” wika ni Mayor Lani.
Hinimok din nito ang lahat ng kaniyang mga constituents na mahalin ang siyudad.

“My job is to help bring hope to our people to make them feel that the city government is doing and will continue to uphold its sworn duty to better serve them and respond to their needs,” giit ni Mayor Cayetano.

Siniguro din nito sa kaniyang mga constituents na kaniya pang palalakasin ang healthcare system ng siyudad sa pamamagitan ng pagdagdag ng physical infrastructure, facilities, equipment at dagdagan ang healthcare personnel.

Inihayag din ni Cayetano na kaniyang gagawin na business-friendly, safer at more at more efficient economic ecosystem.

Nais din ng alkade na gumawa ng mga hakbang para lalo pang ma inspire ang mga graduates hindi lamang para makatapos ng pag-aaral kundi mag excel ang mga ito.