-- Advertisements --

Ibinulgar ni Lani Misalucha na gumagamit na raw ito ng hearing aid matapos mabingi dahil sa bacterial meningitis.

Sa isang Instagram live session, ibinahagi ni Misalucha na nakuha raw niya at ng kanyang asawang si Noli ang sakit noong Oktubre.

“I believe some of you already know what happened to me and my husband. Nagkaroon kami ng bacterial meningitis noong October,” kuwento ng mang-aawit.

“We are okay naman ngayon but the problem is ’yung bacterial meningitis na ’yan iniwanan kami ng souvenir at ang souvenir na ’yun ay hearing loss at vestibular dysfunction.

“Ako ang right ear ko ang bingi. Left ear ko medyo nakakarinig,” dagdag nito.

Ngunit ang kanya namang asawa ay nakararanas daw ng matinding sakit sa ulo at pagkabingi.

Sa nasabing video, ipinakita ng tinaguriang “Asia’s Nightingale” kung paano niya ginagamit ang kanyang hearing aid.

“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat na nag-offer ng kanilang prayers and thank you so much for your love and support. I love you guys,” sabi nito.

Unang isinapubliko ni Lani ang kanyang kondisyon noong Disyembre.

“‘Yung feeling ko napaka-helpless ako and parang hopeless na rin. Parang wala pa akong makitang answer right now. Actually nagsi-search pa rin ako ngayon. You keep on searching, meron pala Siyang ibang sagot, hindi lang natin nakikita kasi iba ‘yung gusto nating sagot na matanggap,” wika ni Lani.