-- Advertisements --
Magkahalong saya at kalituhan ang nararamdaman ng singer na si Lani Misalucha.
Ito’y matapos napabilang ang kaniyang pangalan sa “The Outstanding Filipinos in America Awards’ (TOFA) 100 Most Influential honorees.”
Sinabi nang tinaguriang “Asia’s Nightingale,” hindi siya makapaniwala na mapabilang ang kaniyang pangalan sa listahan.
Napag-alaman na sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo, inanunsiyo ng TOFA ang listahan ng 100 Most Influential Filipino sa Amerika, kasama rin ang mang-aawit na si Lea Salonga at mamamahayag na si Maria Ressa.
Ang seremonya ng TOFA 100 Awards ay gaganapin sa pamamagitan ng online sa Oktubre 31.