-- Advertisements --

Nakapagtala ng isang patay ang mga firefighters matapos masunog ang isang ferry na naglalayag mula Greece patungong Italy noong Linggo.

Ang nasabing biktima ay kabilang sa ini-report na na-missing sa nangyaring aksidente.

Nasa 281 pasahero ang nailigtas sa sunog habang nananatiling 10 ang missing.

Napag-alaman na nasa 292 pasahero at crew ang sakay ng biglang nasunog ang isang Italian-flagged Euroferry Olympia.

Karamihan sa mga pasahero ay mga truck owners o drivers ng transporting goods patungo sa Europe.

Kabilang sa 10 mga missing ay mga pasaherong Bulgarian, Turkish at Greek nationals.

Ilang araw nang sinusubukan ng mga bombero na pigilin ang apoy sa 183-meter na barko upang payagan ang mga emergency crew na sumakay at iligtas ang posibleng mga survivors.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at naglunsad din ng imbestigasyon ang isang prosecutor, ayon sa mga opisyal ng coast guard.