-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umabot sa 19 na mga empleyado sa Laoag International Airport dito sa lungsod ang positibo sa rapid test dahilan upang isailalim sa lockdown nag airport.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Renato Mateo ng City Health Office nitong lungsod ngunit iginiit na 40 percent lamang ang accuracy nito.

Samantala, sinai ni CAAP General Manager Mr. Ronald Estabillo ng Laoag City na nag mga nagpositibo sa rapid test ay mga nakaduty noong Lunes Hulyo 20.

Ang mga empleyado ay mula sa PAL, MacroAsia, pulis at mga taga x-ray ng mga bagahe.

Idadaan naman sila sa swab test habang ang ibang empleyado ay nakaself isolate at nakawork from home.

Dagdag ni Estabillo na matatapos ang lockdown sa Hulyo 26 araw ng Linggo ngunit patuloy parin ang mga inbound commercial flights ng Laoag International Airport.