Nanawagang muli si Senador Manuel “Lito” Lapid sa kaniyang mga kapwa senador na ideklara na ang Quiapo bilang “national heritage cultural zone.”
Sa kaniyang inihain na Senate Bill no. 1471, binigyang diin dito na Lapid na malaki ang naging bahagi ng Quiapo sa paghulma ng kasaysayan ng Pilipinas, tradisyon, kultura, turismo at lalo na sa bahagi ng relihiyon.
Ani Lapid, dapat aniya alam ng gobyerno ang mga naiambag ng Quiapo sa national development ng bansa kaya marapat lamang din aniya na mabigyan ito ng pakilala.
Samantala, ayon kay Lapid, bilang Chairman ng Senate Committee on Tourism, ipagpapatuloy niya ang kaniyang panghihikayat hanggang manumbalik ang mga session sa Enero 13.
Sa pamamagitan aniya nito ay mabubuhay muli ang quaipo at ang sentro ng ekonomiya, at makapagbigay ng mga oportunidad habang iniingatan ang cultural integrity nito.