Hinimok ni Senador Lito Lapid ang kanyang mga kasamahan sa Senado na agad na pagtibayin ang panukalang batas para sa standardization ng sweldo at benepisyo ng mga opisyal ng Barangay sa bansa.
Sinabi ni Lapid na inihain nya ang Senate Bill No. 270 o an Act Standardizing the Salaries and Benefits of Barangay Officials noong Hulyo 11, 2022 at hanggang sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin ito sa committee level.
Umaasa ang senador na maikakalendaryo na ang pagtalakay sa naturang panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 22.
Giit ng senador, malaki ang maitutulong ng panukala para mabigyan ng sapat na insentibo at sweldo ang mga Barangay Official na aniya’y frontliners sa pagseserbisyo sa bayan at tagapag-patupad ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa bawat komunidad.