-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umaasa ang ilang namamahala sa pagawaan ng lapida dito sa lunsod na sa mga susunod na linggo ay dadagsain sila ng mga magpapagawa ng lapida.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni Gng Chola Cullanan, namamahala sa pagawaan ng lapida dito sa lunsod ng Cauayan na habang papalapit na ang araw ng mga patay o undas ay may nagpapagawa na sa kanilang pwesto.

Kung sa mga normal na araw ay nasa isa hanggang dalawa kada araw lamang ang nagpapagawa sa kanila ng lapida pero ngayong palapit na ang undas ay nasa dalawa hanggang limang lapida ang ipinapagawa sa loob ng isang araw

Mas bumuti na rin ang bentahan nila ng lapida ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na halos walang nagpagawa at sobrang mura ng bentahan ng lapida dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Madalas umano sa mga nagpapagawa ng lapida sa kanilang pwesto ay para sa mga bone transfer o ililipat na mga buto ng mga namayapang mahal sa buhay sa bagong sementeryo.

Hindi pare parehas ng presyo ang bentahan ng lapida kundi pababaan na sa presyo ang mga magkakakompetensiya sa nasabing negosyo.

Sa kanilang pwesto, ang mga ordinaryong lapida o marble na lapida ay nagkakahalaga ng Php850.00 hanggang Php1,500.00 depende sa sukat nito.

Para naman sa granite mayroon aniyang nagkakahalaga ng Php4,000.00 to Php6,000.00 depende sa sukat nito at nagbibigay din sila ng discount sa kanilang mga costomer.