-- Advertisements --

CEBU CITY – Handa nang bumalik sa kanyang serbisyo bilang alkalde si Lapu-lapu City mayor Junard “Ahong” Chan matapos gumaling mula sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Mayor Chan, sinabi nitong nagbunga ang kanyang pagsisikap na gumaling gaya nalang ng pag-isolate, pag-inom ng vitamins, at steam inhalation o “Toob” sa Cebuano sa loob umano ng dalawang linggo.

Maalalang nagpositibo si Chan sa COVID-19 noong Hunyo 12 matapos nagpa-swab test.

Itinuring naman ng mayor na isang malaking milagro ang kanyang paggaling.

Kaugnay nito, pag-aaralan ngayon ng alkalde at iba pang mga opisyal sa Lapu-lapu City ang kanilang bagong hakbang ngayong isinaailalim na sa hard lockdown ang Cebu City.

Uunahin umano nito ang pagbigay ng alternative food supply dahil hindi na ngayon basta-basta na maka-cross over sa mga merkado ng Cebu.

Umaasa naman ang mayor na hindi rin isasailaim sa ECQ ang Lapu-lapu City.

Samantala, aabot na sa 4,479 ang natalang COVID-19 cases sa Cebu City matapos madagdag ang 30 new confirm cases at 31 naman ang bagong gumaling.

Nasa 2,213 sa naturang bilang ang mga active cases at 2,177 ang mga naka-recover.

Habang aabot na sa 89 ang namatay dahil sa virus sa lungsod matapos nadagdagan ng pito.