CEBU CITY – Naging emosyonal ang Lapu-Lapu City police director matapos itong makatanggap ng mga pagbatikos mula sa social media ukol sa naging takbo ng imbestigasyon sa grade 9 student na binalatan ang mukha at pinatay.
Inamin naman ni Police Col. Lemuel Obon na nahihirapan umano sila sa imbestigasyon upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Christine Lee Silawan.
Ayon kay Obon, wala umano silang tulog at nagkakasakit ang kanyang mga tauhan sa paghahanap ng mga impormasyon na makakatulong sa takbo ng kaso.
Nilinaw din ni Obon na hindi sapilitan ang pag-amin sa isa pang suspek na si Renato Llenes sapagkat kusa lang itong umamin tungkol sa karumal-dumal na krimen.
Dagdag pa ni Police Col. Obon na siento porsyento silang sigurado sa nahuling self-confessed killer na si, Renato Llenes at matibay ang nakalap nilang ebidensya laban sa suspek.
Samantala, una namang binunyag ng self-confessed killer na si Llenes na nakonsensya umano ito nang nahuli ng NBI-7 ang 18-anyos na suspek na si Alyas Jun.
Ayon pa naman kay LLenes na nadala lang umano ito sa emosyon kaya nagawa nito ang nasabing krimen.