-- Advertisements --

CEBU – Naungusan na ng Lapu-Lapu City government ang Legazpi City bilang lungsod na may pinakamaraming matagumpay na blood donor sa isang araw.

Ito ay matapos makapagtala ang Lapu-Lapu City ng 923 matagumpay na blood donations sa isinagawang bloodletting drive na kanilang sinimulan noong Biyernes, Hunyo 17, 2022, na ginanap sa Hoops Dome sa Barangay Gun-ob.

Ang Legazpi City ay mayroong 700 matagumpay na donor sa isang araw, na siyang pinakamaraming bilang ng matagumpay na donor ng dugo sa bansa sa isang araw hanggang sa Lapu-Lapu bloodletting drive noong Hunyo 17.

Sa isinagawang blood donation drive, nakapag-recruit ang lungsod ng 1,148 blood donors.

Gayunpaman, 225 ang ipinagpaliban matapos silang hindi makapasa sa screening.

Binigyan din ng tig-5 kilo ng bigas ang mga successful blood donors.