-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inilabas na ni Police Regional Office (PRO) 13 director P/Brigadier General Gilberto DC Cruz ang larawan ng suspek na sumaksay sa komentarista ng DXJM radio na si Francis Patindol.

Kasabay nito ay kanyang hinikayat ang mga taong i-report kaagad sa pinakamalapit na police station ang kinaroroonan ng suspek na si Ulating Macarampat Barapangcat alyas Ola Saransamen kapag makita ito.

Inatasan din ng opisyal ang Butuan City Police office na aksyunan kaagad ang pagpatay kay Patindol na naganap pasado alas-10:30 kahapon ng umaga sa Narra Road corner JC Aquino Avenue.

Nagtamo si Patindol ng saksak sa kaliwang dibdib dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.