CENTRAL MINDANAO – Namahagi ng dalawang kalabaw, 11 na lalaking baka (junior bull), anim na mga babaeng baka (hiefer) ang pamunuan ng probinsya ng Cotabato sa mga kababayan nating taga Brgy. Kabalantian, Arakan.
Ang programang ito ay kabilang sa programa ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Mayroong 19 na recepients sa Barangay Kabalantian na dumaan sa masusing pag-evaluate ng barangay at ng mga kawani ng OPVET.
Sa nasabing orientation ni Dra. Belinda Gornez ng OPVET, ang programang ito ay isang roll-over scheme, na ang bawat recepient ay magbabalik ng isang baka o kalabaw na para ipamigay na naman sa ibang benepisaryo ng programang ito.
Pinangunahan ni BM Krista Pinol-Solis, chairman on committee on agriculture, OPVET at mga kawani ng Barangay Affairs Office, ang dispersal ng mga baka at kalabaw sa nasabing barangay.
Hindi naman maipaliwanag ang saya na naidulot sa mga nakatanggap ng mga baka at kalabaw, lubos ang kanilang pasasalamat kay Gov. Nancy Catamco sa programang ito.