Sa ikalawang pagkakataon ay muling isasagawa ng Philippine Army ang large-scale formation sa ilalim ng Combined Arms Training Exercise (CATEX) “Katihan”.
Ito ay nakatakda mula March 3 hanggang March 22, 2025, kasabay ng nakatakdang selebrasyon ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Army.
Ayon kay PA Commanding General, LtGen Roy Galido, lahat ng mga deployed unit ng PA ay makikibahagi sa gagawing formation at magsasama-sama upang pakita ang buong pwersa ng militar.
Bahagi ito ng tuloy-tuloy na paghahanda ng Pilipinas para sa ‘malakihang’ pagdepensa.
Paliwanag ng heneral, sa nakalipas na 50 taon ay pawang mga small scale deployment ang ginagawa ng PA dahil nakatutok lamang ito sa mga anti-insurgency operations at internal security.
Ngayon aniya ay naka-pokus na ang PA sa pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas at kinakailangan dito ang large scale formation/deployment ng mga sundalo.
Tinukoy naman ng Army commander ang mga nangyari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig(WWII) at ang kasalukuyang nangyayari sa pagdepensa ng Ukraine laban sa Russia bilang halimbawa ng large-scale formation.
Aniya, bagaman mahirap itong isagawa ay kailangan itong pagdaanan ng mga sundalo bilang bahagi ng pagpasok ng Philippine Army sa teritorial defense.
AV – LtGen. Galido on territorial defense…11:00
Inaasahang mula anim hanggang walong libong mga sundalo ang makikibahagi rito sa large-scale formation.