-- Advertisements --
dark web child porn

Kinumpirma ng mga otoridad na daan-daang katao na ang kanilang hinuli sa buong mundo matapos umusbong ang South Korea-based dark web child pornography site na nagbebenta ng mahahalay na videos ng mga kabataan kapalit ng digital cash.

Inilarawan ito ng mga opisyal mula sa United States, Britain at South Korea bilang “largest child pornography operations” na kanilang hinawakan.

Ang “Welcome To Video” ay isang website kung saan gumagamit ng bitcoin cryptocurrency upang magkaroon ng access ang isang user sa halos 250,000 videos ng mga kabataan na nakararanas ng sexual abuse.

Ito rin ang kauna-unahang website na gumagamit ng bitcoin upang pagkakitaan ang child pornography. Maaari ring itago ng users ang kanilang pagkakakilanlan habang isinasagawa ang financial transactions.

Ayon sa mga otoridad, makikita rin sa website ang mga videos ng mga menor de edad habang ginagahasa. Hindi rin daw tumatanggap ang naturang website ng mga adult porn.

“Darknet sites that profit from the sexual exploitation of children are among the most vile and reprehensible forms of criminal behavior,” saad ni U.S Assistant Attorney General Brian Benczkowski.

Halos 23 kabataan naman ang nailigtas ng mga otoridad sa United States, Britain at Spain matapos mapatunayan ang pang-aabuso na kanilang natatamo mula sa mga users ng naturang site.

Ikinababahala rin umano ng Britain’s National Crime Agency ang mabilis at malawakang pagkalat ng sexual abuse content sa internet.

Sa ngayon, kinasuhan na ang operator ng “Welcome To Video” na kinilalang si Jong Woo Son, naninirahan sa South Korea at 337 users mula sa 12 bansa.

Hinatulan ng 18 buwan na pagkakakulong si Son sa South Korea at humaharap din ito sa ilang federal charges sa Washington.