-- Advertisements --
Picasso painting

BEIJING, China – Binuksan ngayong araw ang pinakamalaking Picasso exhibition sa UCCA Center for Contemporary Art.

Tampok dito ang 100 likha ng Spanish painter na si Pablo Picasso.

Karamihan sa mga ipinakita ay mga obra noong mga unang taon pa lamang sa pagpipinta kilalang artist.

Ayon sa museum president na si Laurent Le Bon, itinampok din nila ang sculptures ng batang Pablo noong ito ay naninirahan pa sa Espanya at Paris.

Tatagal ang exhibit hanggang Setyembre 1, 2019. (AFP)