-- Advertisements --
joey romasanta
POC President Jose “Joey” Romasanta

BACOLOD CITY – Itinanggi ng bagong presidente ng Philippine Olympic Committee na iginigiit nila na sila ang dapat may kontrol sa buong Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay POC President Jose Romasanta, nilinaw nitong mga laro lang ang sakop ng POC at hindi ang pag-oorganisa ng SEA Games.

Ayon kay Romasanta, ang POC ang magpapatakbo sa mga laro dahil kailangang masunod ang technical requirements sa bawat sport alinsunod na rin sa kanilang pananagutan sa international federation at International Olympic Committee.

Ang pinakaunang obligasyon ng POC ayon kay Romasanta ay ang pagtitiyak na hindi magbabago ang nature ng sports at hindi rin ma-alter ang rules of sport.

Ito ang dahilan ayon sa POC president kung bakit ginagawa at inaaprubahan ng Asian Federation o International Federation ang technical handbook sa bawat laro.