-- Advertisements --

KORONADAL CITY-Apektado ang laro ng ilan sa mga Pinoy boxers na taga Mindanao na nakatakda sanang ganapin sa Estados Unidos dahil sa coronavirus disease 2019.

Ito ang inihayag ni Daniel Guden tubong Dinagat Island at nagtatrabaho sa kasalukuyan sa Minnesota USA.

Kinilala ang ilan sa mga Pinoy boxers na sina Raymark Gaballo na tubong Polomolok, South Cotabato, Mike Magic Plaña, Mark Anthony Vernaldez, John Vincent Mulawin Muralde at ang reigning WBO champion sa 118pounds na tubong Leyte na si Johnril Quadro alas Casimero kasama ang trainer ang tuluyan ring nastranded sa nasabing bansa.

Ilan sa kanila ang may nakatakdang laro ngunit di natuloy dahil sa mataas na kaso ng Covid-19 sa Amerika.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pag aantabay ng mga Pinoy boxers at mga Pilipino sa pagbukubukas ng mga flights at ang maigting na hakbang ng gobyerno sa kaso ng covid-19.