-- Advertisements --

Kinansela ng NBA ang laro sa pagitan ng San Antonio Spurs at Detroit Pistons.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang staff ng Spurs.

Dahil sa ginawang contact tracing sa ilang manlalaro na nakasalamuha ng nagpositibo sa virus ay hindi na naabot ng Spurs ang kailangan na walong manlalaro para matuloy ang laro sa Little Caesars Arena sa Detroit.

Ito na ang pang-25 na laro na kinansela ng NBA ngayong 2020-2021 season mula ng magsimula ang laro noong Disyembre.