Hindi na natapos ang laro ni Pinay tennis star Alex Eala sa first round Oeiras Ladies Open sa Portugal dahil sa biglang buhos ng ulan.
Nasa kalagitnaan na sila ng ikalawang set ng kalarong si Anouk Koevermans ng Netherlands ng bumuhos ang ulan.
Hawak na ni Eala ang panalo sa unang set 6-3 habang sa second set ay lamang si Koevermans 4-2 ng biglang buhos ang ulan.
Naging maganda ang pagsisimula ng torneo ngayon para kay Eala matapos na umangat ang puwesto nito sa Women’s Tennis Association (WTA) sa ranked 72 habang ang Dutch na kalaban ay nasa ranked 182.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay naging matagumpay ang pagsabak ni Eala sa Miami Open kung saan nakapasok ito sa semifinals at natalo niya ang ang World number 5 na Madison Keys at World Number 2 na si Iga Swiatek.