-- Advertisements --
GADON

Tuluyan ng dinisbar at tinanggalan ng lisensya ng Korte Suprema ang bagong talagang anti-poverty czar na si Larry Gadon dahil sa mga bastos na pananalita nito laban sa isang veteran reporter na si Raissa Robles.

Sa isang pahayag , sinabi ng Supreme Court Public Information Office na naging unanimous a 15-0 ang nangyaring butuhan.

Kung maaalala, dati ng sinuspinde ng kataastaasang hukuman si Gadon dahil sa kaparehong pahayag laban kay Robles.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, nakita ng mga magistrado ang isang video clip na makukunsiderang scandalous behavior na nag didiscredit sa isang legal profession.

Binanggit rin ng SC sa naturang desisyon na si Gadon ay lumabag sa Canon II on Propriety, of Code of Professional Responsibility and Accountability, na nag-uutos sa lahat ng mga abogado sa lahat ng oras na kumilos ng may kaangkupan, panatilihin ang appearance na angkop sa personal at propesyonal na pakikitungo at i observe ang katapatan, respect at courtesy, at itaguyod ang dignidad ng legal profession na naaayon sa pinakamataas na pamantayan ng ethical behavior.

Naniniwala ang SC , na maaaring hindi napagtanto ni Gadon na bilang isang abogado ay inaasahang ito na iwasan ang mga scandalous behavior maging sa pampubliko o pribadong buhay.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Gadon na maghahain ito ng motion for reconsideration dahil masyado naman aniyang mabigat ang ipinataw na parusa sa kanya.

Siniguro naman nito na ang pagkaka disbar sa kanya ay hindi makakaapekrto sa kanyang trabaho bilang anti-poverty czar dahil hindi naman aniya kinakailanganng abogado ang namumuno dito.