-- Advertisements --
Sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) si Larry Muyang matapos itong lumabag sa kanyang kontrata sa Phoenix Fuel Masters.
Ayon sa Phoenix, may bisa pa ang kontrata ni Muyang hanggang Mayo ngunit pinili nitong maglaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Kung saan nakapag-ambag si Muyang nang 35 points at 12 rebounds sa laban kontra Manila Batang Quiapo.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagsisisi na umano si Muyang sa kanyang ginawa, ngunit posible pa ring magsampa ng kaso ang Phoenix.
Kung magkakaayos man ang magkabilang panig, kinakailangan pa ring humarap ni Muyang sa PBA Board of Governors upang muling makabalik sa liga.