Ipinagmalaki ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na ang karwahe o andas na ginagamit ngayon sa Traslacion procession ng Poong Itim na Hesus Nazareno na ginawa ng Sarao Motors na matatagpuan sa lungsod.
Ayon kay Mayor Aguilar, ang Sarao Motors ay isang automotive company na dalubhasa sa pagdidisenyo at paggawa ng mga dyip na tanyag na mode of transportation sa bansa.
Idinetalye din ng alkalde na ang karo na ginagamit sa Traslacion ay bullet proof at malinaw na makikita ng libu-libong mga deboto ang imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno dahil mayroong interior lights na naka-install sa loob ng karwahe.
Ibinunyag naman ni Las Piñas City Tourism and Cultural Office chief Paul Ahljay San Miguel na nagsagawa aniya ang pamunuan ng Quiapo church ng pa-contest para sa bagong disenyo ng karo ng imahen para sa kapiyestahan ng Black Nazarene ngayong araw.
Aniya, parehong kompaniya din ang lumikha ng karo na ginamit sa Traslacion mula 2010 hanggang 2020.