-- Advertisements --

Nangako si Health Sec. Francisco Duque III na masisimulan na ang operasyon ng Las Piñas Drug Rehabilitation Center.

Ayon kay Duque, may ilang isyu lamang na isina-ayos para matiyak na hindi magkakaroon ng problema kapag nasimulan na ang function nito.

Una nang naglabas ng sama ng loob si Sen. Cynthia Villar sa DoH dahil Disyembre 2018 pa nagkaroon ng inagurasyon sa nasabing rehabilitation center ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito napapakinabangan.

Dismayado ang senadora dahil sila na ang nagtulong-tulong, kasama ang mga lokal opisyal at mamamayan ng Las Piñas, ngunit naging mabagal pa rin ang aksyon ng DoH para sa mga usaping legal.