-- Advertisements --

SCOTLAND – Hinahangaan ngayon ang makabagong drones na pinalilipad sa Scotland para protektahan ang native Scottish plants na malapit nang maubos.

Sa halip kasing regular na larawan at videos lamang ang makuha, kayang makalikha ng three dimensional pictures ng nasabing gamit.

Nakakalap ito ng gadget gamit ang espesyal na ilaw o light detection and ranging (LIDAR), sa halip na radio waves na kagaya ng sonar.

Sa pamamagitan ng nakukuhang data, nalalaman ng mga eksperto kung may nangyayaring pag-atake ng hayop, insekto o kahit tao sa mga pinoprotektahang pananim.

Itinutugma rin ang lokasyon ng drones sa satellite upang matiyak na tama ang mga impormasyon nito. (BBC)