-- Advertisements --

ILOILO CITY- Kulong ang isang lasing na personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos nag-amok sa isang disco bar sa Smallville Complex sa San Rafael Mandurriao sa Lungsod ng Iloilo.

Ang arestado ay kinilalang si Jail Officer 2 Iris Lizada, 38, residente ng Brgy. Burriao Lambunao Ioilo at nakadestino sa BJMP sa Nanga Pototan Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Jail Officer 3 Leo Lacerna, chief ng Investigation and Prosecution Division ng BJMP Region 6, sinabi nito na mag iimbestiga sila sa eskandalo na kinasasangkutan ni Lizada.

Napag-alaman na nag inuman sina Lizada at mga kaibigan nito na sina Agustin Pedrosa, 40, Joel Labordo, 21 at Julius Lizada, 43, pawang residente ng Brgy. Burriao, Lambunao Iloilo.

Ngunit ng siningil na sila ng manager ng Saxxy’s Bar and Grill na si Luztiffany Sasarita, 41, at ng bouncer na si Gary Abeto, 26, nagalit at nag amok ang BJMP personnel at nagtangka pang magpaputok ng baril.

Dito na at humingi ng tulong si Sasarita sa Mandurriao Police Station at ipinakulong si Lizada at mga kaibigan nito.