-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahaharap ngayon sa kasong Violation of Article 151 “Resistance and Disobedience to A Person in Authority or Agents of Such Person” and Direct Assault ang isang empleyado ng Koronadal City LGU matapos na makipag-away sa mga otoridad dahil sa nahuli itong lasing at lumabag sa curfew.

Kinilala ni Police Major Rommel Hitalia, deputy chief of police ng Koronadal PNP ang nahuli na si Cyran Paul Garcia Gamboa, 26 anyos, single, Job Order Clerk ng City Assessors Office at resident ng lungsod.

Ayon kay Hitalia, nahuli si Gamboa ng mga nagrorondang pulis alas-12:30 ng madaling araw kasama ng iba pangmga lumabag sa ipinapatupad na curfew sa lungsod.

Ngunit sa halip na sumunod sa mga otoridad ay nagalit ito, nagsisisigaw at nakipag-away sa mga pulis sa loob mismo ng police station.

Dahil sa pangyayari sa halip na pauuwiin na sana kinabukasan si Gamboa ay ikinulong ito at sinampahan ng kaukulang kaso.

Maliban dito, malaki pa ang posibilidad na mawalan ng trabaho si Gamboa dahil sa ginawa nito.