ROXAS CITY – Nakatakdang sampahan ng reklamo ang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO-Sapian matapos manlaban at pinagmumura umano ang mga pulis na naka-duty sa border checkpoint sa Barangay Bula, Mambusao, Capiz.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo sa Mambusao Municipal Police Station, papunta sanang bayan ng Mambusao ang suspek na si Jeffrey Pinalba ng Barangay Poblacion, Sapian upang bumili ng gamot.
Ngunit pagdating sa border checkpoint ay hindi ito pinahintulutang makapasok dahil lumalabag ito sa curfew hour at nakainom.
Dahil dito ay pinagmumura umano ni Pinalba ang mga frontliners na naka-duty sa checkpoint kung kaya’t inaresto ito ng mga pulis.
Mahaharap si Pinalba sa kasong Oral Defamation at Resistance and Disobedience to Person in Authority.