-- Advertisements --

ILOILO CITY-Inireklamo ang isang opisyal sa Iloilo City matapos nambugbog umano ito ng empleyado ng isang bar.

Ang inireklamo ay si Iloilo Cty Councilor Jojo Javellana.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa nagreklamong si Freely Cancio ng Barredo, Ajuy, Iloilo, sinabi nito na nakita niya kung paano sinaktan ni Javellana ang kanyang kapatid na si Dexter habang nasa loob ang mga ito ng Fort San Pedro Drive In sa Iloilo CIty Proper.

Ayon kay Cancio, pumasok umano si Javella sa kusina ng bar na pagmamay-ari ng kapatid ng opisyal ngunit nagalit ito ng hindi umano pinansin ni Dexter at bigla nitong sinuntok ng ilang beses sa dibdib ang biktima.

Pananakit naman ng dibdid ang iniinda ng nasabing empleyado ng bar dahil sa pambubugbog ng opisyal.

Sinubukan naman ng Bombo Radyo na hingan ng kanyang panig ang opisyal ngunit minabuti ng opisyal na hindi na magkomento sa isyu.