-- Advertisements --
ILOILO CITY- Wala nang buhay at may sugat sa mukha ang isang lalaki na natagpuan na nakalutang sa sapa sa Barangay Jibao-an, Pavia, Iloilo.
Ang biktima ay kinilalang si Faustino Florida, 30, residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Inday Florida, kapatid ng biktima, sinabi nito na noong Lunes pa huli nilang nakita ang kanyang kapatid sa kanilang bahay.
Lasing umano ang biktima at nanggulo pa ito kung kaya’t tumawag sila ng pulis.
Pagdating ng pulis, tumakbo umano ang biktima at tumawid sa sapa.
Pinaniniwalaan na dahil sa sobrang kalasingan, nahulog ito sa tulay.
Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.