-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagsasasaksin sa Lucena City.Kinilala ang biktima na si Jim Carlo Dela Cruz, 24-anyos, residente ng Purok San Francisco, Barangay. Ibabang Dupay sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang biktima nang mag-ingay ito at hinamon pa ang anak ng suspek.

Dahil dito, ang co-brother-in-law ng salarin ang sinubukan sanang awatin ang biktima ngunit sa halip ay ito ang sinaktan ni Dela Cruz.

Kaugnay nito, sumali na rin sa kaguluhan ang suspek na si Nonito Osana Bandayril, 61-anyos, at dito na nito sinaksak ang biktima.

Nagtamo naman ng sakak sa tiyan si Del Cruz na agad namang sinugod sa pagamutan habang kaagad namang tumakas si Bandayril matapos ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.