BUTUAN CITY – Nasampulan kaagad sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte ang kautusang ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte na barilin ang lasing na lolong nag-amok malapit sa quarantine control checkpoint ng Brgy Amontay aang nasabing bayan kung kaya’t binaril ito ng naka-detail na pulis.
Nakilala ang nabaril na si Junis Biñas, 63-anyos, hiwalay sa asawa at residente ang Purok 4 ng nasabing barangay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Amontay Brgy. Kapitan Jose Calipusan na nawat ng kanilang mga barangay tanod ang namatay dahil sa pagsisigaw nito nang ito’y malasing.
Nang hindi pa makuntento ay muli itong nagsisigaw kaninang umaga habang bitbit ang itak at ayaw magpa-awat pati na remusponding mga barangay tanod na kanya pang hinabol hanggang sa umabot sila sa checkpoint .
Dito na umano ito pinaki-usapan ni Police Staff Sgt. Rolly Liones na huminahon ngunit nagalit at tinaga ang patrol car at nang akma na sana nitong tatagain ang nasabing pulis ay dito na siya binaril na tinamaan sa ulo sanhi ng kanyang agarang kamatayan.