-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Patay ang isang lasing na lalaki na nakatulog sa kalsada matapos masagasaan sa national highway sa barangay Rabon sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nakahiga sa gitna ng kalsada ang biktima na si Crisanto Cruz, residente sa La Union dahil sa kalasingan kaya ito nasagasaan.

Isinugod sa ospital ang biktima matapos mapuruhan sa kanyang ulo subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng driver na nakasagasa sa biktima.