-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isinampa ang paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk Driving Law laban sa isang pulis na nakabangga habang nakasakay sa kanyang kotse ang tatlong katao na nakasakay sa iisang motorsiklo dito sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Police Major Jephre Taccad, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office, inihain ni Police Lt. Col. Rafael Lero, hepe ng PNP Laoag, ang kaso laban kay Police Senior Master Sgt. Jason Pacis

Maliban dito ay sasampahan din ng administrative case ang naturang pulis.

Una rito, umatras ang tatlong biktima sa desgrasya na sampahan ang pulis dahil sinagot ang bayad sa hospital.

Ngunit sinabi ni Taccad na itutuloy ang pagsampa ng administrative case laban kay Pacis dahil nasa impluwensya ng alchohol ito matapos ang insidente.

Dagdag ng opisyal sa panayam ng Bombo Radyo Laoag na posibleng dismissal o pagkademote ang ipapataw kung mapapatunayang uminom si Pacis sa loob ng kampo o police station.

Nabatid ng Bombo Radyo Laoag na una nang natanggal bilang kasapi ng PNP Bacarra dahil sa umanoy reklamo kung saan nilagyan ni Pacis ng “chikinini” ang leeg ng isang menor de edad, at inireklamo din sa pambabato sa isang bahay sa bayan ng Vintar noong nakabase ito sa Vintar Municipal Police Station.