CENTRAL MINDANAO-Patay na nang madiskubre sa loob ng kanyang bahay ang isang magsasaka sa Kidapawan City.
Nakilala biktima na si Dante Calimpong, residente ng Sitio Lumot Barangay Balabag Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Joyce Birrey na bago pinatay ang biktima ay nakipag-inuman pa ito sa kanyang mga kaibigan na sina Joel Saling alyas “Purot” at isang alyas “Dan-Dan Malakas na pawang mga manggagawa at nakatira sa Sitio Lapan, Brgy. Perez ng lungsod.
Dahil kalasingan nagkainitan ang tatlo at humantong sa tangkang pananaga ng bitima sa kanyang dalawang kaibigan.
Naawat si Calimpong ng mga opisyal ng Barangay at pinauwi sa kanyang tahanan.
Makalipas ang isang oras natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay na naliligo sa kanyang sariling dugo at nagtamo ng maraming saksak sa katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP at kasama sa mga person of interest ang dalawang kaibigan ng biktima na kanyang nakaaway.