-- Advertisements --

Nanganganib ngayon na hindi makasama sa final line-up ng Gilas Pilipinas na lalahok sa FIBA World Cup sa China si Marcio Lassiter.

Inaasahan kasing mawawala ng anim na linggo si Lassiter at hindi na rin ito makakalaro pa sa nalalabing bahagi ng 2019 PBA Commissioner’s Cup playoffs dahil sa dinaranas nitong grade 2 MCL sprain.

Natamo ni Lassiter ang injury makaraang magbanggaan ang tuhod nila ni NorthPort guard Garvo Lanete sa second quarter ng do-or-die game nitong Miyerkules, kung saan nagwagi ang San Miguel.

Lumabas sa laro si Lassiter sa huling 3:22 ng first half at kaagad na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center upang isailalim sa MRI.

Si Lassiter, na nagrehistro ng average na 12.1 points, 2.3 rebounds, at 4.0 assists kada laro, ay miyebro rin ng Gilas pool para sa World Cup sa China.