-- Advertisements --

Humabol pa ang bansang Vietnam ng huling gold medal upang patibayin ang kanilang ikalawang puwesto sa pagtatapos ng 30th Southeast Asian Games, December 11.

Nasungkit ng Vietnam ang medalyang ginto sa huling laro kanina sa beach handball na ginanap sa Subic Tennis Court sa Zambales.

Una nang umagaw ng atensiyon ang sorpresang pagiging runner up ng Vietnam (98) upang lampasan ang Thailand, Indonesia at ang defending champion na Malaysia.

Samantala napunta naman ang silver medal sa Thailand habang nakadagdag din ang isa pang bronze medal para lomobo pa ang natipong medalya ng runaway champion na Team Pilipinas.

Sa kabuuan ay merong 149 gold medals ang Pilipinas upang mapantayan ang nagawa rin ng bansa sa tinagurian noon na Miracle of 2005!