LIBO LIBONG TAONG DUMAGSA SA MERKADO NG CEBU PARA SA LAST MINUTE SHOPPING, KINOKONTROL NG MGA AWTORIDAD
Patuloy na dumadagsa ang mga tao sa Carbon Market Cebu para sa last minute shopping para sa tradisyong noche buena at kinokontrol rin ng mga awtoridad ang mga tao na pumapasok rito.
Ayon kay Market Authority Head, Irvin Cabales, nasa libong tao ang estimated na dumagsa ngayong araw sa merkado.
Hundi rin pinapapasok ang walang mga face shield at face mask at pinapatupad pa rin ang social distancing at mga minimum health standards at safety protocols.
Walang anumang insidente ng pandurokot o pagnanakaw pero pinaaalahanan pa rin ang mga mambibili na mag-ingat palagi sa kanilang mga gamit at pera.
Dagdag rin ni Cabales, walang over pricing at shortage sa karne at ang operasyon sa Carbon market ay hanggang alas 10 lang ngayong gabi.