Bumuhos ang libu-libong botante sa mga registration area ng Comelec ngayong araw.
Kasunod ito ng desisyon ng poll body na wala nang ibigay na extension ng pagpapatala ng mga bagong botante at ang mga nais magpa-reactivate o transfer ng kanilang entry sa voters list.
Ayon kasi kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, napakahabang panahon na ang ibinigay na oras para sa mga registrant mula pa noong Pebrero.
Nagkaroon din ng register anywhere program para hindi na umuwi sa kani-kanilang lugar ang mga botante.
Ginawa ito sa mga mall, plaza, palengke at eskwelahan sa loob ng ilang buwan.
Masaya naman si Garcia sa resulta ng kanilang innovation.
Gayunman, kinailangan pa ring alisin ng komisyon ang daan-daang libong lumang record dahil ang mga ito ay pumanaw na o nadoble lamang sa listahan.
Ang mga ito ay bahagi ng paghahanda para sa 2025 midterm elections.