Nagsalpak ng buzzer-beating jumper si rookie Trae Young upang maitakas ng Atlanta Hawks ang 136-135 overtime win kontra sa Milwaukee Bucks.
Nagtakda ng season highs na 24 points at 12 rebounds si Justin Anderson para sa Atlanta, na dinagdagan naman ni John Collins na may 23 points at 12 boards.
Nagtapos namang may 12 points at 16 assists si Young.
Habang nanguna sa panig ng Milwaukee si Sterling Brown na kumamada ng career-high na 27 points para sa Milwaukee, kasama na ang go-ahead layup sa huling 1.1 segundong nalalabi sa overtime.
Lumaban ang Bucks kahit hindi naglaro sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton dahil sa kani-kanilang mga injury.
Umabot ng hanggang 23 points ang abanse ng Milwaukee sa high-scoring first quarter.
Nakabawi naman ang Hawks pagsapit ng third quarter ngunit naghabol uli makaraang mabaon sa 10 points sa kalagitnaan ng fourth period.
Ang jam ni Alex Len ang siyang pumutol ng abanse ng Bucks sa 133-132 sa nalalabing 33 segundo ng extra period.
Matapos namang magmintis ang jumper ni Jaylen Brown, ibinigay naman ng baseline floater ni Young sa huling 6.6 segundo ang 134-133 lead sa Atlanta.